Bakit hindi ka dapat magpakabit ng cable!

Maganda pag may cable, mapapanood mo yung mga latest movie na hindi ipinapalabas sa “ordinary signal” ng network. Nakakasawa na kasi ang mga palabas sa TV, walang ibang mapanood, yun lang ng yun. Eh kung may cable, maraming choices, may cartoons para sa mga bata, korean drama para kay ate, basketball para kay tatay at kuya at drama naman para kay nanay.

Ano kaya ang magandang cable provider para sa bahay? Well, hindi ko alam. Hahaha. Alam mo ba yung TV Plus ng ABS-CBN? Yun ang gamit namin, one time payment lang at “parang” naka-cable ka na rin ng libre. Hehe.

Kung nagtitipid ka, maaring makatulong ang mga mababanggit ko sayo para makumbinsi kang pagtyagaan na lang ang palabas sa tv mo.

  1. Ang cable ay Mahal

Ang price per plan ay depende sa cable provider. It ranges from P300 to P1,600 per month, depende sa dami ng channels, kung gusto mo pang may High Definition (HD) mas mahal. Pero meron din namang mura, yung may mga normal channels lang sa halagang P100 maganda na ang kuha ng TV mo, but still may bayad kada buwan. If you can afford, then go pero kung nagtitipid ka, pagtyagaan mo na lang yung antenang gamit mo lalo na kung dalawang channel lang naman ang pinapanood mo.

  1. Dagdag sa kuryente ang cable

Kapag may cable maraming palabas, hindi mauubusan kaya naman mas mapapadalas ang panonood sa TV, minsan nga bukas 24-oras. At kung laging bukas ang TV syempre lagi ding umaandar ang takbo ng metro ng kuryente.

  1. Pwedeng maging dahilan para hindi makapag-focus ang anak sa pag-aaral

Kung may anak ka at wala kayong control, ang anak ninyo ay mas gugustohin pang manood kaysa mag-aral. Gagawa ng assignment sa harap ng TV kaya hindi agad natatapos at hindi makapag focus sa pinag-aaralan.

  1. Dahilan ng pagkapuyat

Kapag may cable, meron dyang mga “series” na ipinapalabas lang tuwing malalim na ang gabi, eh kung nagandahan ka at sinubaybayan mo na, papanoorin mo pa rin yan kahit anong oras na kaya mapupuyat ka dahil nanood ka pa.

Kung hindi naman issue sayo ang pera, then magpakabit ka ng cable na may HD features pa, pero kung nagtitipid ka isip-isip muna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *