Saan mas tipid, sa maliit o sa malaking item?

Kapag namimili ka sa supermarket o grocery store, alin yung pinipili mo? Yung maliit na size o yung malaki?

Halimbawa:

Sa suka merong naka pouch na maliit 180 ml, meron ding 375ml at 1 gallon.

Tanong: Alin ang mas mura?

Syempre yung pinaka maliit na size!

Pero saan ka mas makakatipid?

Syempre doon sa pinaka malaki.

Sunod na halimbawa, sa mga detegent powder, san ka mas makakatipid? Syempre doon sa malaking size!

Tanong ulit: Alin ang dapat mong bilhin? Yung malaki o maliit?

Syempre kung alin lang ang kaya ng budget! Mahirap naman na bumili ka ng isang galong suka dahil doon ka makakatipid tapos wala ka ng maibili ng stock nyong pagkain para sa bahay! Baka ipainom pa sayo yang pagkalaki laking suka na binili mo kung hindi mo nabili yung mga dapat mong bilhin!haha

Try this…

Kung gusto mong makatipid, sa susunod na mag grocery ka, i-compare mo ang price ng maliit na item sa malaki, ilabas ang cellphone at simulang mag-compute (divide, times at minus).

Hindi naman kasi pare-pareho ang product, merong malaki nga pero hindi naman masyadong nagkakalayo ang price kung yung dalawang maliit ang bibilhin mo na katumbas lang din ng isang malaki.

Tulad sa bigas, kung bibili ka ba ng per kilo, magkano ang presyo? Eh kung bibili ka ng isang sako, magkano ang matitipid mo? Kung hindi din naman ganoon kalaki, then doon ka na lang sa paisa-isang kilo, hindi ka pa magbuhat ng isang sako!

My point?

Mas makakatipid ka sa malaking sizes totoo yun, pero depende pa rin sa pag gamit mo. Paano kung bumili ka nga ng malaki eh hindi mo naman magagamit at masisira lang? Nakatipid ka ba o nagtapon ka lang ng pera? Hindi applicable sa lahat ang pagbili ng malakihang sizes, depende yan sa pag gamit at sa gagamit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *