Branded na damit o yung mura lang?

Basehan ba ang brand ng damit para masabing ito ay matibay?

Syempre hindi!

Dahil hindi lahat ng branded ay matibay at hindi rin lahat ng branded ay maganda at babagay sayo! Pero isa lang ang sigurado, pag branded mahal!

Kung ang habol mo lang sa damit ay ang “quality”, hindi lang branded ang pwede mong pagpilian. Merong mga hindi branded na matibay na, mura pa! Galingan mo lang ng pagpili!

Kahit na gaano pa kamahal ang suot mo kung hindi ka naman marunong magdala hindi yan babagay sayo. At kahit na mura lang ang suot mo pero magaling kang magdala, magmumukha yang sosyal. Nasa nagdadala lang yan!

Ito pa ang maganda kapag mura ang damit mo, hindi ka mapapamura kung sakaling mamantsahan ito dahil sa paglalaba! Eh kung branded, tiyak na mapapa away ka pa kapag ang itim ay nagkaroon ng puti puti! Bakit? Kasi nga mahal!

At kung minalas ka pa at nasungkit ang sampay mo, tiyak na maiinis ka dahil mahal ang bili mo sa damit na yon, eh kung mura, hindi mabigat sa dibdib kahit pa masungkit, mawala, kikitin ng daga, mamanchahan, masunog sa plantsa, mapunit at masira pa yan! Kayang kaya mong palitan dahil mura lang naman.

Ang mahal na damit, kukupas din naman yan eh, so ang mangyayari eh bibili ka na naman ulit! Kung mas mura ang damit, mas marami kang mabibili at maisusuot kaya maiiwasan ang madaling pagkupas nito..

Think about this…..

Hindi naman masama bumili ng branded. My point is, huwag bumili ng damit na hindi mo naman talaga kayang bilhin. Huwag makiuso sa mga taong may kakayanan talagang bumili nito. At huwag na huwag kang mangungutang (gumamit ng credit card) para lang makabili nito. Pumorma ayon sa iyong kapasidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *