Paano makatipid ng 50-70% sa pamimili ng damit?

Halos lahat yata ng tao eh mahilig sa damit. Pero alam mo ba na may paraan para hindi ka makabili ng sobrang mahal? Paano? Basahin mo lang ang mga sumusunod:

  1. Huwag bumili ng damit kung kailan kailangan.

Kapag kailangan mo ng damit, huwag bumili. Kapag hindi mo kailangan bumili ka. Ano daw? Ang gulo di ba? Ganito yan, kapag taglamig bumili ka ng damit na pang summer at pag summer bumili ka ng damit na pang taglamig.

Halimbawa, kapag summer bumili ka ng jacket lalo na kung sa tingin mo ay kakailanganin mo ito sa panahon ng taglamig. At pag taglamig naman, bumili ka ng mga damit pang ligo tulad ng two-piece o bathing suite na gagamitin mo naman sa beach para sa outing.

Bakit ba magandang bumili kapag hindi pa napapanahon? Simple lang, dahil SALE ang mga ito! Tuwing off-season naka-mark down ang prices nila dahil hindi pa sila kailangan.

Kaya naman ang pagbili ng damit ay dapat pinag-iisipan at pinagha-handaan para makabili ng mga mura.

  1. Bumili ng damit tuwing SALE

Bakit mo kailangang bumili ng damit pag SALE? Syempre mura, ano pa ba ang magiging dahilan?haha. Kaya kung mahilig ka sa mga branded na damit, pagkakataon mo ng bumili ng damit na discounted ng 50-70%  lalo na kung legitimate sale. May mga sale kasi na “sale on selected items lang”. Tuwing kelan ba ang legitimate sale? Una, after Christmas season dahil nag-o over stock ang mga department store tuwing Christmas season. Pangalawa, January at February. Ikatlo ang last but not the least, ay after ng pasukan dahil sa kakaunti ang namimili at katatapos lang ng bayaran ng tuition fees kaya sale tuwing August at September.

  1. Huwag masyadong bumili ng mga nasa usong damit

Ang mga usong damit ay hindi pang matagalan kaya kung bibili ka nito huwag yung masyadong marami dahil pabago bago ang “trends” di magtatagal ay mawawala rin ito sa pagiging uso. So ang ending kung puro uso ang binili mo, kakailanganin mo na namang bumili ng bagong damit dahil hindi na “in” ang mga damit mo.

  1. Bilhin ang damit at hindi ang brand!(lalo na kung hindi naman talaga afford)

Marami ang mahilig bumili ng mga branded na damit, maganda “daw” kasi ang quality. Quality nga ba kaya branded ang gusto mo? O gusto mo lang na masabing hindi basta basta ang mga isinusuot mo? Well, kung ano man ang dahilan mo, wah akong care.haha. Pero kung pagtitipid ang habol mo, then don’t buy branded lalo na kung hindi naman talaga kaya ng budget mo! At ito pa, hindi lahat ng branded ay matibay. Pero kapag branded, mahal! dahil ang “brand” ang binabayaran mo!

  1. Subukang bumili sa mga lugar na mas mura ang bilihin

O kung gusto mo talaga ng mas tipid na mga damit, pumunta ka na lang ng divisoria , baclaran o di kaya mag-ukay ukay ka! Marami ka pang choices. Madali daw masira kapag walang brand? Pumili ng mga hindi branded na damit na maganda, mura at matibay. Galingan na lang ng pagpili dahil nasa nagsusuot lang yan para magmukhang mamahalin!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *