Dapat mo bang sustentohan ang iyong mga biyenan?

May nabasa ako sa isang Facebook Post, Seaman ang kanyang asawa nagtatanong siya kung may batas daw ba dito sa Pilipinas na nagsasabing kailangan talagang bigyan ng sustento ang magulang ng kanyang asawa.

Base sa kanyang kwento, kapag alam na ng mga biyenan nya na magpapadala na ang anak ng mga ito tatawagan o itetext siya at ipapa-alala ang perang kailangan nila. Pati mga pambayad sa kung anu-anong bills tulad ng ilaw, tubig, cable etc.ay sa kanila pa rin humihingi ng pambayad to think na may tatlo na silang anak ng asawa niya.

Here’s what I know:

Responsibilidad ng magulang na pag aralin ang kanilang mga anak, gagawin nila ito ng walang inaasahang anumang kapalit o anumang obligasyon, hindi ito utang na loob ng isang anak sa magulang dahil ito ay karapatan bilang isang anak.

Karamihan kasi sa mga magulang natin na mga may edad na (pero hindi naman lahat) ay “low financial IQ” o walang sapat na kaalaman sa tamang pag hawak ng pera, dahil sa kakulangan ng mga “resources of knowledge” noon hindi gaya ngayon na may “google” na, kaya bata pa lang, ito na ang sasabihin sa mga anak “anak, mag-aral ka ng mabuti at magtapos ka ng pag-aaral para naman matulungan mo kami at ng makaahon na tayo sa hirap”.

Bakit ba nila ito nasasabi? Dahil hindi nila napag handaan ang kanilang kinabukasan kaya inaasa sa mga anak ang magiging buhay nila pag sila ay tumanda na which is mali. Dapat ganito “anak, mag aral ka ng mabuti, para pag magkaroon ka ng magandang trabaho at mas maganda ang maging buhay ng magiging pamilya mo”.

Ang tanong, dapat mo bang sustentohan ang iyong mga biyenan?

Para sa akin ay oo, dahil ang mga magulang ay maraming sakripisyong ginawa para sa kanilang anak, ang pagbibigay ng pera sa mga ito ay hindi obligasyon o kabayaran sa mga ginawa nila kundi bilang isang pagtanaw ng utang na loob at pasasalamat sa kanila.

Sa mga mahihirap na pamilya, dugo at pawis ang kanilang inilalaan para lang mapagtapos ang isang anak kaya nararapat lang na tulungan ng anak ang magulang lalo na kung ang mga ito ay may edad na at wala ng kakayahang magtrabaho.

Kaya dapat na pag usapan ninyong mag asawa ang tungkol sa usaping sustento, kayong dalawa ang magdesisyon kung magkano ang kaya nyong ibigay sa magulang nya o magulang mo.

Hindi naman dapat na pilitin ng isang magulang ang kanilang anak na magbigay ng perang hindi naman nila kayang ibigay lalo na kung may pamilya na. Kung ang dahilan nila ay kulang pa ang inyong ibinibigay, ipaunawa ninyong yun lang ang kaya ninyo dahil marami din kayong gastusin. Tanggapin man nila o hindi, ang mahalaga hindi ninyo sila binabalewala at willing naman kayong magbigay, nagkataon lang na yun lang ang kaya, maliit man ito o malaki ay may maitutulong pa rin ito sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *