Hindi porke marami kang pera ay magagawa mo na ang gusto mo!

Nakakita o may kakilala ka bang mayaman na mabait at talagang tumutulong sa kapwa?

Eh mayaman na masama ang ugali?

Sabi nila ang pagiging mayaman daw ay walang pinipili. Hindi basehan ang pagiging mabait o masama ng isang tao para magkaroon ng maraming pera.

Ang pera ay isang malaking tukso, marami itong kayang gawin sa buhay at pag-uugali ng isang tao. Pwede nitong gawing masama o mabait ang taong may hawak nito.

Tandaan mo na ang dami ng perang meron ka ay walang kinalaman sa halaga ng iyong pagkatao. Hindi porke marami kang pera ay ituturing ka ng VIP (very important person) ng mga taong nasa paligid mo. Hindi rin ito dahilan upang mang-api, mang lait at manghusga ka ng kapwa mo. Wala kang karapatang manakit ng damdamin ng ibang tao.

May kasabihan ngang “it’s lonely at the top” lalo na kung dahil sa kagustuhan mong umangat ay nakalimutan mo ng magpakatao. Yung gagawin mo lahat ng paraan yumaman ka lang, kahit na masama pa ito. Tatapakan mo ang ibang tao makamit lang ang karangyaan na gusto mo.

Aanhin mo ang karangyaan kung wala namang nagmamahal sayo? I’m not saying na naranasan ko ng mapunta sa “top” kaya alam ko na ang feeling, isa lang ang alam ko, mahirap at malungkot ang mag isa. Iba pa rin yung alam mo na may mga taong mamahalin ka may pera ka man o wala.

Kaya kung makakita at makakilala ka ng mayaman na masama ang ugali, huwag mo na lang pansinin. Pagtuunan mo na lang ng pansin ang iyong sarili sa kung paano ka yayaman at siguruhing hindi ka magiging kagaya nila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *