Pwede mo bang sustentohan ang iyong magulang mula sa pera ng asawa mo?

Ang pag aalaga ng anak ay isa sa mga “challenging” na trabaho sa buong mundo, kaya nga ang mga nanay ay nababansagang “supermom”. Pag nasa bahay ka, ikaw ang mag aalaga sa anak nyo, magluluto, maglilinis ng bahay, maglalaba, at lahat ng trabaho sa bahay ay ikaw ang gagawa lalo na kung wala kang katulong.

Nakakatakot magpa alaga ng anak sa iba dahil hindi mo alam kung anong pwedeng gawin sa anak mo lalo na kung wala ka sa bahay. Marami ng balita ang nagpapatunay dito, kamag anak mo man o galing sa agency ang kukunin mong yaya ay di ka pa rin nakakasigurong di nila ito sasaktan o itatakbo.

Kung ikaw ay isang asawa na walang trabaho at ikaw ang nag aalaga sa anak ninyo, wala akong nakikitang dahilan para hindi maging tama o dapat na ikaw ay magbigay ng pera sa magulang mo mula sa pera ng asawa mo. Pero kung sa tingin mo naman ay di talaga kaya ng budget nyo ang maglabas pa ng pera, then better find your own source of income para makapagbigay ka sa mga magulang mo.

Isa sa mga dahilan kaya naghihiwalay ang mag asawa ay dahil sa pera. Kaya kung gusto mong magbigay ng sustento sa magulang mo, pag usapan nyo itong mag asawa at huwag mong ililihim o patagong aabutan ng pera ang magulang mo ng hindi nya alam.  Dapat open kayo sa usaping pinansiyal at tapat sa isa’t isa. Nakakasama kasi ng loob kung malalaman mong binibigyan ng palihim ng asawa mo ang magulang nya o ang ibang tao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *