Dalawang klase ng taong kuripot

Pag sinabing kuripot o madamot, ano ang unang pumapasok sa isip mo? Anong klaseng pag-uugali ito? Masama o pangit di ba? Kaya pag naturingan kang madamot parang ang sama-sama na ng ugali mo! Pero masama nga ba talaga?

Totoo naman na masama ang magdamot sa kapwa pero naniniwala ako na depende din sa dahilan kung bakit mo ito ginagawa.

Kuripot # 1

Ayaw maglabas ng pera dahil sarili lang nila ang gustong guminhawa, sila yung “sakim” ang dahilan kaya naghihigpit sa pera. Gustong laging nabibigyan pero ayaw namang magbigay sa iba.

Kuripot # 2

Pinag-iisipan ang paglalabas ng pera, hindi gumagastos sa mga bagay na hindi naman talaga kailangan. Priority ang mag-ipon at paghandaan ang hinaharap. Ito ang taong nagnanais na umangat ang buhay upang hindi maging pabigat sa iba lalo na sa usaping pera. Naghahangad na payamanin ang sarili at ang kanyang pamilya upang sa pagdating ng panahon ay makatulong naman sa iba.

Hindi maiintindihan ng mga tao sa paligid mo ang dahilan kung bakit ka kuripot,  hayaan mo lang sila sa mga gusto nilang sabihin, ang mahalaga kuripot ka dahil alam mo kung paano pahalagahan ang pera. Totoong hindi pera ang pinakamahalagang bagay dito sa mundo, pero naniniwala ako na lahat ng bagay dito sa mundo ay konektado sa pera.

Ngayon, ang tanong proud kuripot ka ba?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *