Learn to say no

Karaniwang problema ng mga taong nagtatrabaho sa abroad ang usaping pera. Minsan kasi iniisip  ng ibang tao na basta nasa abroad ay malaki ang kita, maraming pera at maganda ang buhay. Kaya naman minsan halos buong pamilya umaasa sa bigay ng pera ng taong nasa abroad. Yung makahingi ay parang halos buong buhay na ay iniaasa sa taong nagbibigay sa kanila ng pera.

Andami kong nababasa sa Facebook na mga reklamo ng mga taong abroad, tulad ng “akala nyo ang sarap ng buhay namin dito, kung makahingi kayo ng pera ay parang pinupulot lang namin.” Pero patuloy pa rin naman sa pagbibigay kasi pamilya eh, at ang pamilya nagtutulungan. Kung ikaw ang may kakayahang tumulong magbigay ka hindi ba?

Think about this…

Kung ikaw ay isa sa mga taong nakakaranas ng halos lahat na lang ng gastusin ay sayo na inaasa at wala na silang ibang makitang paraan para kumita ng pera pero malalakas pa naman ang katawan nila, then learn to say no! Hindi mo sila minamahal, tinuturuan mo silang maging tamad! Minsan kasi kahit na kaya pa namang magtrabaho eh hindi na nagtatrabaho kasi andiyan ka at alam nilang magbibigay ka.

My point is, kung kaya mong magbigay at marami ka talagang pera to the point na financially free ka na, then go, give it all para makatulong ka sa iba, pero kung pinipilit mo lang ibigay lahat ng gusto nila na kahit wala ng matira sayo ay mag-isip ka muna. Again learn to say no. Hindi mo naman kailangang pilitin lalo na kung hindi mo naman talaga kayang ibigay ang gusto nila.

Hindi naman sa nagdadamot ka, pero sino ba ang mahihirapan sa huli kung pagdating ng panahon ay wala kang pera dahil ibinigay mo na lahat sa kanila? Marami ng tao ang nag abroad pero pag balik ng Pinas ilang araw lang kailangan na ulit bumalik sa trabaho dahil ubos na ang pera? Kaya kung ayaw mong habang buhay magtrabaho at malayo sa pamilya mo, learn to say no kung kinakailangan at maybe you should start saving for yourself first o di kaya naman ay magbigay ka at tumulong sa pamilya mo o sa ibang tao ng naaayon lang sa kakayahan mo at hindi yung ubos ka at halos wala ng matira sayo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *