Huwag bumili ng second hand

Isa sa mga way para makatipid ng pera kung may bibilhin ay ang bumili ng second hand.

Pero dapat mo ring malaman na hindi lahat ng second hand ay maayos at talagang mapapakinabangan.

Tulad na lang sa sasakyan, kung bibili ka ng second hand dapat marunong kang tumingin sa kondisyon nito. Baka kasi imbes na makasave ka sa pagbili nito ay lalo ka pang mapamahal.

Halimbawa, kakabili mo lang ay itinirik ka na agad nito ng ilang beses sa gitna ng kalsada. Yung mas lamang pa yung oras na nasa paayusan ito kesa sa oras ng pag gamit mo. Yung mas marami ka pang ipinaayos at ginastos para magamit mo lang ito na kung brand new ang binili mo ay wala kang poproblemahin na ipapaayos dahil bago pa ito, kumbaga, less pa ang maintenance.

Kung marami kang pera at afford mo naman, then mas mabuti ng brand new na lang ang bilhin mo. Pero dapat ay yung talagang afford mo ha at hindi yung maglo loan ka pa o di kaya ay gagamitin mo ang lahat ng perang meron ka para lang makabili ng gusto mo.

At kung marunong ka namang kumilatis o may kaibigan kang marunong tumingin ng second hand item na bibilhin mo, then go for the second hand lalo na kung maayos pa naman ito.

Huwag kang basta basta maniniwala sa mga sinasabi ng taong nagbebenta dahil lahat ng sasabihin nyan ay maganda. Sino ba naman ang magbebenta na sisiraan ang ibinebenta nila? Wala di ba? dahil nga ang target nila ay ibenta yan.

Be wise sa pagbili ng mga second hand items. Siguruhing mapapakinabangan mo talaga ito, makakatipid ka at hindi ka mapapagastos ng sobra-sobra.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *