Ang “impulse buying” at kung paano ito maiiwasan

Naranasan mo na bang bumili ng bagay na sa katagalan ay mapapa-isip ka kung bakit mo yun binili? Yan ang “impulse buying”, yung bumili ka ng isang bagay na wala naman sa plano mo na nagiging dahilan kaya ka nauubusan ng pera.

Halimbawa, pumunta ka sa mall na ang bibilhin mo lang naman dapat ay isang tray ng itlog pero pag labas mo ay may bitbit ka ng juice, chocolate at chichirya. O di kaya naman ay pagpunta mo sa mall may SALE pala kaya napabili ka ng mga bagay na meron ka pa naman o di mo talaga kailangan. Yung mapapabili ka dahil feeling mo hindi ka makakatulog kapag hindi mo nabili yung nakita mo?

Narito ang ilan sa mga pwede mong gawin para maiwasan ang impulse buying:

  1. Huwag pumunta sa mall kung wala ka namang importanteng transaction
  2. Kapag nagse-search ka sa internet, huwag pumunta sa mga “online shop” kung wala ka naman talagang bibilhin. Unsubscribe sa kanilang mailing list.
  3. Kapag may nakita kang isang bagay tapos yung pakiramdam mo eh gustong-gusto mo na yung bilhin, itanong mo muna ito sa sarili mo:
  4. Kapag binili mo ang item na yun, kailan ko ito gagamitin?
  5. Saan ko ito gagamitin?
  6. Kailangan ko ba talaga yun?
  7. Anong mangyayari pag hindi ko yun nabili?
  8. Huminga ng malalim ng 10 o 20 beses kung naeexcite kang bilhin ang isang item dahil ito ay naka sale.
  9. Laging bumili gamit ang cash sa mga bagay na hindi mo naman talaga kailangan. Huwag gumamit ng credit card o manghiram ng pera para lang bumili ng mga bagay na sa tingin mo lang ay kailangan mo.
  10. Iiwan ang iyong credit card sa bahay at magdala lang ng sapat na pera para sa isang araw na allowance.
  11. Mag-canvas muna sa iba’t ibang tindahan, pag komparahin ang presyo bago bumili. Bumili sa kung saan mas makakatipid o pumili ng mas murang pamalit sa iyong bibilhin kung talagang mahal.
  12. Laging gumawa ng listahan bago magpunta sa mall o grocery store at huwag bumili ng mga item na wala sa listahan mo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *