Tumutubo ba ang pera sa bangko?

Tanungin mo ang mga oldies kung saan ka dapat mag ipon, for sure sa bangko ang isasagot nila. Hello? 2017 na ngayon, maraming ng nagbago! Technology evolved a lot! Yung mga imposible, komplikado at mahirap gawin noon, maning-mani na lang ngayon o madali mo ng magagawa!

Anong koneksyon nito sa pag iipon sa bangko? Simple lang, ang kaalamang meron ang tao noon ay hindi na katulad ng sa ngayon.

Kung mag iipon ka para sa retirement days mo I can say na the bank should not be your choice.

Kung security ng pera ang iniisip mo, safe talaga sa bangko lalo na yung mga kilala tulad BDO, BPI, LandBank, PNB and more. The banks that are PDIC Member insure P500,000 (as of 2016) per depositor. Kaya magsara man ang bangkong pinagtaguan mo ng pera, makukuha mo pa rin ang maximum of P500,000 na inilagay mo sa kanila.

Ang mga bangko ay nag o-offer lang ng interest rate na 0.25% – 0.50% yearly! Kung magiipon ka ng pera sa ganitong interest rate, good luck! Baka matanda ka na ay di mo pa naiipon ang first P1 Million mo lalo na kung maliit lang ang itinatabi mo. At meron tayong inflation rate na tinatawag kaya siguradong ang naipon mo ay di rin sasapat sa iyo in the future kahit pa P1 Million yan.

Ano ba ang inflation?

Ito ay ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, produkto, serbisyo at kung anu-ano pa.

Halimbawa:

Kung ang P150 mo ay nakakabili ng isang kilong manok ngayon, sa susunod na panahon baka isaw na lang ang mabili mo diyan.

Bank is not the only way or place where you can save and grow your money. Mag invest ka dahil mas madaling lalaki at tutubo ang pera mo kesa sa bangko. But before you invest in anything, be sure that you have the correct knowledge and goals dahil baka imbes na lumago ang pera mo ay kabaligtaran ang mangyari, syempre ayaw nating mawala ang perang pinaghirapan natin kaya huwag padalos dalos sa desisyon. Kung hindi mo alam, pag aralan mo o humingi ka ng tulong sa mga expert at huwag na huwag kang mag aalam alaman o manghuhula lang.

Kung noon ang pag iinvest ay para lang sa mayayaman, hindi na ngayon! In fact, marami ng mahihirap ang yumaman through investing at marami na rin ordinaryong tao ang nahihikayat mag invest.

Marami ng organization or group ang nagbibigay ng mga guides sa iba’t ibang uri ng investments. Sila ang magtuturo sayo kung paano ang tamang paraan kung paano ka yayaman sa iyong mga investments.

What is my point? Huwag kang mag paiwan sa umaarangkadang pagbabago sa paligid mo, go with the flow and don’t stick sa mga nakasanayan ng ibang tao noon. Im not saying baguhin mo lahat, choose what to change or what you can improve. Huwag matakot mag-invest! Dagdgan ang kaalaman at ng ikaw ay yumaman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *