Good debt vs bad debt

Pag nanghiram ka ng pera sa ibang tao, utang ang tawag doon diba?

Masama bang mangutang? Aba OO! Lalo na kung tataguan mo yung inutangan mo, kung anu-ano ang idadahilan mo pag sisingilin ka na at yung pagkakaroon ng “sakit” na amnesia pag bayaran day na! Nakakasama yan ng loob, nakakasira ng mga relasyon at kung anu-ano pang negative effect. Kaya masama talagang mangutang lalo na kung hindi ka magbabayad!haha.

Pero alam mo ba na hindi lahat ng utang ay masama?

Merong tinatawag na “good debt” kung saan ang perang hiniram mo ay ginamit o gagamitin mo sa iba para kumita ng pera.

Halimbawa ng good debt

Kung nanghiram ka ng pera sa bangko o sa ibang tao para magtayo ng sarili mong negosyo. Kapag naging successful ang negosyo mo, magbibigay ito ng pera sayo. So in short, tutubo ang pera mo, may kikitain ka mula sa perang hiniram mo.

Samantalang ang “bad debt” naman ay ang paghiram ng pera kung saan mauubos lang ang pera mo at walang babalik sa iyo.

Halimbawa ng bad debt

Bumili ka ng sapatos gamit ang credit card, wala naman itong ibibigay na pera sayo sa mga susunod na panahon di ba? Gumastos ka lang at walang susunod na income.

Pero kung ipagpipilitan mo pa ring good debt ang pag-utang para sa mga luho na gusto mo, dahil para naman ito sayo at ikaw naman ang makikinabang, bahala ka.haha.

Basta tandaan, pag good debt, may ibabalik sayo, at pag bad debt, kukunin lang nito ang pera mo. At huwag ring kakalimutan na pag utang binabayaran at hindi kinakalimutan para hindi ka mabaon sa utang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *