Pera sa sobre

Madaling mauubos ang pera kung lahat yan ay nasa wallet mo lang. Hanggat may nakikita kang madudukot, dudukutin at dudukutin mo yan, dahil ang pera ay isang malaking tukso! Kaya naman sa blog na ito, ituturo ko ang envelope system, isang way upang ang perang meron ka ay hindi nakalagay lahat sa wallet mo.

Ang “envelope system” ay ang paglalagay ng pera sa envelope kung saan may nakasulat kung para saan ito. Para siyang mga pitaka na may pangalan kung para saan ang perang nakalagay dito. Isa itong way ng pagba-budget.

So paano ito gawin?

Maghanda ka ng tig-iisang envelope para sa kuryente, tubig, pang-grocery, pambayad ng renta sa bahay at iba pang mga gastusin at lagyan ito ng mga “label” o pangalan. Tuwing sahod o may darating na pera sa iyo, lagyan ang mga sobre ng kanya-kanyang budget. Kung kailangan ng gumastos, kumuha lang ng pera sa nakalaang envelope.

Kung wala kang envelope, gawa ka na lang kung marunong ka, o kaya bumili ka sa tindahan, o di kaya naman ay gamitin mo yung sobre na galing sa meralco o mga sobreng pinaglagyan ng bills mo. Pero kung wala ng mga iyan, hanap ka sa paligid mo ng mga bagay na di mo na ginagamit tulad ng bote(jar) at mga walang laman na de lata. Hindi naman kailangang maganda, bago at bibilhin mo ang lalagyan mo, ang importante lang ay hindi mahihirapan ang kamay mong kumuha ng pera mula dito at pwede mong lagyan ng label.

Kung sa tingin mo ay effective sa iyo ang ganitong sistema then ituloy mo lang, pero kung hindi naman, pwede mong gamitin ang excel worksheet o di kaya naman ay notebook at ballpen. Ang mahalaga ay mamo-monitor mo ang perang meron ka at maayos na ma-budget ang mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *