Save then buy strategy

Save then buy strategy o sa tagalog mag-ipon muna bago bumili. Ito yung kung may gusto kang bilhing bagay para sa iyong sarili o para sa bahay ay mag-iipon ka muna ng pambili nito, tapos pag nakaipon ka na ay saka mo pa lang ito bibilhin. Hindi ka gagamit ng on the spot cash o credit card para lang mabili ang gusto mo lalo na kung malaking halaga ang involve.

Halimbawa:

Gusto mong bumili ng bagong cellphone worth P20,000. So kada sahod magtatabi ka ng perang pambili mo dito, naka depende sa kung magkano ang pwede mong itabi kung kelan mo ito mabibili. Let’s say kaya mong maglaan ng P2,000 budget dito kada buwan, so after 10 months makakabili ka na ng cellphone.

Sa ganitong paraan mas maeenjoy mo ang iyong binili at hindi mo na iisipin ang ibabayad sa susunod na mga buwan kung gumamit ka ng credit card,  kung umutang ka sa ibang tao, o di kaya nagloan ka pa para lang makabili ng gusto mo! Ang maganda pa dito, hinid mo nagalaw o nabawasan ang iyong savings dahil nga pinag-ipunan mo ang pambili dito kaya hindi ka na nag withdraw pa.

Other benefit pa nito ay minsan sa katagalan ng iyong pag-iipon, may lalabas pang mas maganda ang feature kesa doon sa unang nagustuhan mo na minsan mas mura pa ang presyo o di kaya naman ay mas mura na ang nagustuhan mo dahil marami na ang naglabasang bago.

Minsan nga pag hindi mo agad nabili ang isang bagay na gusto mo tapos lumipas na ang ilang araw o buwan, minsan parang mapapaisip ka na lang kung bibilihin ko pa ba yun o hindi na. Yung parang nababawasan yung pagkagusto mong bilhin ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *