Sino ang dapat humawak ng pera?

Sino nga ba ang dapat humawak ng pera? Babae o lalaki?

Hindi ito yung marunong na hahawakan lang sa kamay ha, dahil lahat ay marunong humawak ng pera kung paghawak lang talaga ang paguusapan.

Ang ibig kong sabihin dito ay yung paghawak na may mapupuntahang maganda ang pera at hindi yung bigla na lang nauubos ang pera na hindi alam kung saan napunta.

Babae ba dahil sila talaga yung naka-assign sa pagbabudget at lalaki ang naka-assign na magtrabaho?

Well, hindi naman issue kung babae man o lalaki ang hahawak ng pera o budget ng isang pamilya. Meron kasing babae na magastos at meron din namang lalaki na magastos din. Kaya hindi malabong mangyari na maubos agad ang pera pag magastos ang hahawak nito.

Hindi din dapat yung madaling maakit bumili ng mga bagay na hindi naman kailangan. At mas lalong hindi yung hindi makapag bayad ng mga dapat bayaran tulad ng bills sa kuryante, tubig at kung anu-ano pang bayarin dahil ubos na ang pera dahil hindi marunong magbudget.

Kaya kung tatanungin kung sino ang dapat magmanage ng pera, ang sagot ay kung sino ang hindi magastos at yung marunong magbudget.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *