Category «Usapang Pera»

Sino ang dapat humawak ng pera?

Sino nga ba ang dapat humawak ng pera? Babae o lalaki? Hindi ito yung marunong na hahawakan lang sa kamay ha, dahil lahat ay marunong humawak ng pera kung paghawak lang talaga ang paguusapan. Ang ibig kong sabihin dito ay yung paghawak na may mapupuntahang maganda ang pera at hindi yung bigla na lang nauubos …

Good debt vs bad debt

Pag nanghiram ka ng pera sa ibang tao, utang ang tawag doon diba? Masama bang mangutang? Aba OO! Lalo na kung tataguan mo yung inutangan mo, kung anu-ano ang idadahilan mo pag sisingilin ka na at yung pagkakaroon ng “sakit” na amnesia pag bayaran day na! Nakakasama yan ng loob, nakakasira ng mga relasyon at …

Tumutubo ba ang pera sa bangko?

Tanungin mo ang mga oldies kung saan ka dapat mag ipon, for sure sa bangko ang isasagot nila. Hello? 2017 na ngayon, maraming ng nagbago! Technology evolved a lot! Yung mga imposible, komplikado at mahirap gawin noon, maning-mani na lang ngayon o madali mo ng magagawa! Anong koneksyon nito sa pag iipon sa bangko? Simple …

Posible bang kumita ng pera kahit walang ginagawa?

Kapag nagtrabaho ka at binayaran ka, ang tawag dito ay income. Ito ang perang iyong natatanggap kapalit ng iyong pagtatrabaho o pagbibigay ng iyong serbisyo. Pero alam mo na ba may dalawang klase ng income? Ang “active income” at “passive income”. Ang empleyadong kumikita ng pera depende sa oras ng trabaho nila at sumasahod kinsenas …

Ang “impulse buying” at kung paano ito maiiwasan

Naranasan mo na bang bumili ng bagay na sa katagalan ay mapapa-isip ka kung bakit mo yun binili? Yan ang “impulse buying”, yung bumili ka ng isang bagay na wala naman sa plano mo na nagiging dahilan kaya ka nauubusan ng pera. Halimbawa, pumunta ka sa mall na ang bibilhin mo lang naman dapat ay …

Learn to say no

Karaniwang problema ng mga taong nagtatrabaho sa abroad ang usaping pera. Minsan kasi iniisip  ng ibang tao na basta nasa abroad ay malaki ang kita, maraming pera at maganda ang buhay. Kaya naman minsan halos buong pamilya umaasa sa bigay ng pera ng taong nasa abroad. Yung makahingi ay parang halos buong buhay na ay …

Dalawang klase ng taong kuripot

Pag sinabing kuripot o madamot, ano ang unang pumapasok sa isip mo? Anong klaseng pag-uugali ito? Masama o pangit di ba? Kaya pag naturingan kang madamot parang ang sama-sama na ng ugali mo! Pero masama nga ba talaga? Totoo naman na masama ang magdamot sa kapwa pero naniniwala ako na depende din sa dahilan kung …

Hindi porke marami kang pera ay magagawa mo na ang gusto mo!

Nakakita o may kakilala ka bang mayaman na mabait at talagang tumutulong sa kapwa? Eh mayaman na masama ang ugali? Sabi nila ang pagiging mayaman daw ay walang pinipili. Hindi basehan ang pagiging mabait o masama ng isang tao para magkaroon ng maraming pera. Ang pera ay isang malaking tukso, marami itong kayang gawin sa …

Dapat mo bang sustentohan ang iyong mga biyenan?

May nabasa ako sa isang Facebook Post, Seaman ang kanyang asawa nagtatanong siya kung may batas daw ba dito sa Pilipinas na nagsasabing kailangan talagang bigyan ng sustento ang magulang ng kanyang asawa. Base sa kanyang kwento, kapag alam na ng mga biyenan nya na magpapadala na ang anak ng mga ito tatawagan o itetext …